My Epitaph

Kamusta ka? Asan ka ngayon sa panahon ng pandemic? Anong mga pinagkakaabalahan mo? Ikaw ba ay isa nading “plantita” na gaya ko na nahihilig sa pagtatanim sa mga panahong ito? O isa ka mga momshie ng taon na nagbi-bake, nag ho-homeschool sa mga anak o nag oonline selling? Tatay na dumidiskarte para kumita sa panahong ito or studyanteng nag oonline school. Kung nasaan ka man ngayon o ano mang ginagawa mo ay hangad ko ang iyong kaligtasan.

Ngayong araw ay makikipagkwentuhan lang muna ako sa inyo mga kaibigan. Naiimagine ko to na nakaupo lang tayo sa sahig, nakabilog at komportableng komportable hehe! Gusto ko lang magbahagi ng ilang mahahalagang bagay tungkol sa sarili ko na sana ay makatulong din sayo. Sa totoo lang, ilang araw na akong nag iisip ng mga ikwekwento sa inyo pero hindi ko malaman kung bakit di ko masimulan. Ang dami din kasing nangyayari nitong mga nakaraang araw. Alam mo un sa dami di ko alam kung paano sisimulan. Palusot lang talaga yan haha joke!

Eto na nga, isa sa mga bagay na gusto kong ishare ay kung ano nga bang gusto kong maalala ako ng tao kung sakali mang mawawala na ako sa mundo.  Sabi nung mentor namin noong nasa kolehiyo pa ako, kung ano daw gusto naming ilagay sa aming epitaph, o ung nakalagay sa iyong libingan. Dapat daw ngayong buhay kapa dapat alam mo na o may ideya kana. Noong narinig ko un nung una, sa totoo lang ay medyo natawa ako na natakot na ewan. And weird kasi diba? Siguro parehas lang din ng iyong reaksyon. So eto na nga ginawa ko naman, wala naman kasing mawawala. At ito ang aking inilagay:

This was posted in my IG account seven years ago. I posted this when I was still young and just starting a teaching career. My best friend told me that I was a bit crazy for posting this kind of stuff hehe! And to be honest I am still happy looking at it! It was part of my journey as a professional teacher.

Himayin lang natin:

Teacher- This is really my passion. Nalaman kong passion ko ito ay noong may time na may sakit ako pero pumasok ako para magturo at habang nagtuturo ako ay naenergized ako! I always want to be with my students while sharing them things that they need to learn.

Tried her best – Gagawin ko ito sa loob at labas ng silid-aralan. Ibig sabihin, kahit mahirap na ay gagawin ko padin ang aking dapat na ginagawa. Isang halimbawa, may studyante akong gusto nang tumigil sa pag-aaral, pero ako talagang sobrang hinayang sa kanya. Kaya sinabi ko sa kanya ano nga bang mga consequence pag tumigil siya. Salamat sa Lord, nagpatuloy naman siya. Madami pa ito pero saka ko nalang ikwekwento sa inyo hehe.

Inspire- When was the last time you were inspired by someone to do whatever you are doing right now? At aminin man natin o hindi kadalasan ng nakaka inspire sa mga kabataan “noon” ay ang mga guro. Ngayon kasi nauso na ang mga “social media influencer” but that’s another topic for another time. Before, I just want to inspire my students but now I also want them to be challenged. Challenged their excuses and poverty mentality (if they have).

Others- They are my students. Pero ngayong pitong taon na ako sa pagtuturo at by God’s favor ay nagkakaroon ng posisyon, naisip ko na pwede din pala akong makainspire sa mga kapwa ko guro. Pero syempre marami pa akong bigas na sasaingin!

This photo served as my guide on how I will live my life! But I want to update this sooner or later. Update kita!

Noong una ay hindi pa talaga ako sanay pero habang tumatanda ka pala mas nagiging open kana sa mga ganung bagay, kumuha na nga din ako ng St. Peter plan eh. Meron kana ba? PM mo ko kung wala pa hahaha!

Leave a comment